How To Get to the Top: Tips from Arch. Bhing-Bhing Panagsagan Ko, the Architecture Licensure Exam Top 1 - Pinoy Builders

How To Get to the Top: Tips from Arch. Bhing-Bhing Panagsagan Ko, the Architecture Licensure Exam Top 1

Share This

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin
Share on email

The January 2023 Architecture Licensure Exam surely took the country by storm as the industry welcomed new architects to the roster. A total of 1,980 examinees out of 3,473 examinees passed the licensure exam. Among those who passed, it was Bhing-Bhing Panagsagan Ko from the University of Sto. Tomas bested 1,980 examinees and ranked first in the exam with 84.50%. 

Pinoy Builders had the pleasure of talking to Arch. Ko to gain insights into how she prepared for the Architecture Licensure Exam and her journey toward becoming an architect.

 

“Design is , the way I see it, like solving a problem or giving solution to problems involving aesthetics– isa sa core  aspects of architecture, which is for me, can be subjective.” 

 

 

Image from Arch. Bhing-Bhing Panagsagan Ko

 

Q. Tell us about yourself. Who is Bhing-Bhing outside of being an architect?

 

KO: Bhing-Bhing Panagsagan Ko, currently 25 years old, I have two older sisters; one is a dentist, the other is a civil engineer, and I have a younger brother who is still in high school. My father is Taiwanese, while my mother is Filipino. My interests and hobbies include playing puzzle games and watching mystery movies or case solving. Ever since bata ako, I have been playing puzzle games on my phone, computer, and even real-life puzzles. I also like watching mystery movies or may crime, kasi gusto kong movies yung nagwowork ang mind ko. Gusto ko yung napapaisip ako na “bakit ganoon?” after kong mapanood ito. Maybe it’s somehow related to me liking puzzle games.

 

A. When and how did you aspire to become an architect? Who were your inspiration and role models?

 

KO: Sa totoo lang, wala talaga akong specific na interest noong nagtatanong na kung ano gustong kunin noong college. Undecided pa ako that time. The family business is general construction specializing in general warehouses and installation of overhead cranes. Unang naisip ko is to take up civil engineering, kaso iyon na ang kinuha ng second sister ko. Nakita ko sa NCAE result ko na okay ako sa spatial aptitude, which is related sa architecture kaya ‘yon ang pinili kong course. Isang factor din kaya architecture ang pinili ko or isang factor din kaya nainspire ako to take up this course, is how my father brings the whole family during Sundays sa project sites noong bata pa kami.

 

It’s not the normal thing for everyone, kasi ang typical na family ay lumalabas during Sunday bilang bonding time. For our family, ito naman ang bonding namin: pupunta kami sa project sites, itu-tour kami ni papa sa current project sites, ine-explain sa’min ang mga nangyayari kahit ‘di namin maintindihan that time since we were only in elementary or high school. Clueless kami that time sa mga sinasabi niya, pero doon ako nagkaroon ng exposure and experience. Nakatulong ito sa’kin sa pag-aaral ng architecture, sa time na nagtake ako ng board, and even to this day.

 

Q. What was the most challenging aspect of studying to become an architect? Which courses were the most difficult?

 

KO: For me, the most difficult subject under architecture is design.Design is, tthe way I see it, like solving a problem or giving solution to problems very subjective; para sa’kin, it is more on problem-solving involving aesthetics– isa sa core definition aspects of architecture, which is for me, can be subjective. Ang hirap noon, kasi iba-iba ang definition ng beauty kada professor. Pwedeng ganito ang standard ng beauty sa isang prof, tapos iba naman sa isa.  Mahirap i-defend ang para sa’yo aesthetic, pero sa iba hindi.

 

Q. Were you given a part of or given a scholarship grant? If yes, how were you able to attain the grant and what are your experiences?

 

KO: UST offers 100% scholarships for high-school valedictorians and 50% for salutatorians. I graduated batch Valedictorian noong high-school, kaya 100% deducted ang tuition fee noong first sem ng college. May kasama pa siyang allowances na Php3,000.00-4,000.00, pero mahirap i-maintain ng scholarship na ‘to kasi may bracket siya per grade for general weighted average. For example, makakakuha ka lang ng 100 percent na discount if ang general weighted average mo for a semester is uno hanggang 1.20, then 75 percent naman 1.21 to 1.45 and 50 percent if kung 1.46 to 1.75. Then beyond 1.75, alam niyo na ‘yun. 

 

Naalala ko, for the whole five years, twice lang ako nakakuha ng 100% discount sa sobrang hirap i-mantain ng grade na 1.20. Starting 3rd year college, d’yan na start ng most of major subject, so ang hirap mag-maintain ng mataas na grade.  Thankfully, nakagraduate ako as a scholar.

 

“Hindi mo kailangang mag-memorize, just be familiar with a lot of things.”

 

Q. What was your review regimen? Are there other factors that also contributed to improving your studies? 

 

KO: Actually, I do not have a specific review regimen, and mostly or hugely based yung review schedule ko sa kung ano ang review program ng review center. So, doon na umikot ang schedule ko. Kunwari, since full online ang in-enroll ko for the review class, may ina-upload silang lecture videos that I can watch anytime from the given schedule. Then, they have live classes on the weekends. During the weekdays, pinapanood ko ang lecture videos nila, then I answer the quizzes provided to test kung talagang may natutunan ako. Then, every quiz may corresponding answer key video explaining all the answers to the questions. Doon na ko nag-rely heavily and nag-focus nang sobra sa pag-review ko. 

 

Arch. Bhing-Bhing Ko’s reminder to herself on her phone | Image from Arch. Bhing-Bhing Panagsagan Ko

 

Naging strict ako sa review schedule ko on my own during the last month before the exam, which is the whole January. Hindi nga ako ganun ka-strict nung mga earlier months, lumalabas pa din ako, gumagala with family and friends, pero lagi akong may dalang reviewer kahit saan man ako pumunta para makapagbasa ako kung magkaroon ng opportunity to squeeze a read. Kapag na traffic on the road, ilalabas ko yung reviewer ko, magbabasa ako saglit, then itatago ko na kapag umandar na ulit ang sasakyan. Para sa akin, ‘yon ang naging pinaka-effective way para makarami ako ng basa. Based on experience, taking up this board examination requires vast knowledge and familiarization. Hindi mo kailangang mag-memorize, just be familiar with a lot of things. Pagdating naman sa exam, hindi naman alam talaga ang sagot sa tanong, pero dahil alam mo ang choices, mai-eliminate mo na isa-isa kung ano ang hindi tamang sagot. 

 

Aside from that, nakatulong din ang healthy balance between studying and resting. Good rest is what I need para makapag-aral ako nang mas mabuti. Last year was the busiest time for me sa mga personal events ko, and last year yata yung pinakamakami akong gala, maraming alis, maraming vacation, pero lagi akong may dalang reviewer during those events, during those vacations, out of town trips. Kaya hindi ko rin talaga-expect na magtotop ako sa boards kasi nakarami ako ng gala.

 

Q. Where and when did you take the exam? Is this your first time taking the exam?

 

KO: Ito ang first time ko taking the architecture licensure exam, pero this is my second time taking the board exam. Ang unang board exam ko is the Master Plumber Licensure Examination (MPLE) na kinuha ko  last February 2022. Ang hirap, kasi during the MPLE I was originally planning to take the exam July 2020. Since nagkapandemic, na-postpone nang na-postone ang review and the exam itself. Nagpush through lang siya February 2022, then I needed a break after kong makapasa sa Master plumber Licensure Exam. May may blockmates ako from college na pumasa na ng board exam last January 2022 which inspired me to take the exam, so I decided na mag take ng exam or to prepare for the exam for June 2023. 

 

Image from Arch. Bhing-Bhing Panagsagan Ko

 

Inisip ko sa sarili ko na mag preprepare ako ng 1 year to take the exam para talagang sure na papasok ako sa top 10. However, naalala ko noong preparation ko for the master plumber exam, sobrang haba ng time to review pero naging hindi na siya effective. Parang mahaba ang time pero hindi naaabsorb yung ibang info kasi sobrang tagal ng time for the revier na hindi mo na siya na-use up agad for the exam, therefore I decided to take it this January, and I think it was a good decision on my part.

 

“Kapag masyado kang mabilis sumagot, siguradong mali ang sagot mo.”

 

Q. How did you feel before, during, and after taking the exam?

 

KO: During the first few months ng review ko, around July to September, chill pa. I’m just taking my time reviewing: walang pressure, wala yung parang kailangang makarami ako ng aral sa isang araw. Ang nasa isip ko lang nun, “okay, kailangan sa araw na ‘to, may maaral ako”, and maitindihan ko siya. Hindi kailangang marami, at hindi kailangan na extensive ang review. Naalala ko noon, first review class namin in July, wala pa talaga akong naiintindihan non. Parang hindi pa nagsisink-in sa akin na magtatake na ako ng exam, kaya parang “wala lang”, “sige, aral lang”, “saka ko na iintindihin kapag malapit na o kapag nasa kalagitnaan ako”. 

 

Then came October and November, that’s the only time na nag-decide ako na magtatake na ako sa January. Medyo nag-seryoso na ako sa pag-review, hindi na ganun kahaba yung time ko to review, from one year naging few months na lang to prepare. At the same time, naging sobrang busy pa sa personal life. Nabawasan talaga ang time ko sa pag-aaral—doon ako medyo nagpanic. Talagang I made sure na makapag-aaral talaga ako every day.  Kahit saan talaga, kailangan kong mag-review. Kahit sobrang saglit lang, kailangan kong dalihin yung reviewers ko, kailangang maisingit yung pag-review. Then, December, syempre its holiday season. Sobrang daming tukso, ang daming time na sinasabi ng loved ones ko sa akin na “pahinga ka muna nang konti sa review, holiday naman”, pero naroon kasi yung pressure, and yung panic  na ang lapit na ng exam. Hindi ko maibaba yung reviewers ko, so, kahit na pasko, kahit na bagong taon, meron at meron pa rin akong laging katabi na reviewer, hanggang sa pagsalubong ng bagong taon. May hawak kong reviewer, hanggang sa tuwing bago ako matulog, I do my best na makapagbasa. 

 

Honestly, akala ko  mas magiging relaxed ako towards this exam since na-experience ko nang mag-exam before, pero the feeling is still the same. Bumabalik talaga ang kaba, lalo na  kapag malapit na ang exam, especially on the last week before the exam. I remember we had our mock board exam sa review center, tapos bumagsak ako sa two out of three subjects. Doon talaga ako umiyak, inisip kong wala na sigurong chance na magtotop ako. “Dito pa lang bumagsak na ako, paano pa kaya sa boards?” Pero, I took that as an opportunity to study those items sa mock board na nagkamali ako, at kung saan ba ang hindi ko nadadaanan during the past few months of reviewing. Malaking tulong siya sa board exam itself, kasi ang ibang questions from the mock board lumabas on the actual board exam. 

 

 

Image from Arch. Bhing-Bhing Panagsagan Ko

 

During the exam itself, sabi ko sa sarili ko na dapat calm and clear yung utak ko from overthinking and from worries. Nang makita ko na dinala na yung questionnaires, talagang napasign of the cross ako, napakapit talaga ako sa higher being! While taking the exam, napansin ko fron the questions na parang tinitest kami ng examiners kung talagang nagbabasa kami nang maigi. There are a lot of questions that needed a second look. Kapag masyado kang mabilis sumagot, siguradong mali ang sagot mo: mahahalatang naghanap ka lang ng keywords, then immediately ‘yon ang ina-associate mo na answer. If you read the whole question and understood it very well, marerealize mong iba ang hinihingi niyang sagot  kaysa doon sa unang akala mong nasagot mo. 

 

The first day of the exam comprised of history, theory of architecture, professional practice, and planning principles in the morning. Sa afternoon naman, building technology, building utilities, and structural conceptualization. Mahirap ang first day kaysa day two. Pagkalabas noon sa sinehan (exam area), naroon ang father and sister ko naghihintay. Ang unang tanong nila sa akin is, “kumusta ang exam?” Hindi ako makasagot, kasi sobrang drained, sobrang pagod ako, at sumakit yung ulo ko kaa-analyze ng questions. Hindi na nila siguro kailangang hintayin pa ang sagot ko, kasi tingin ko sinasabi na ng mukha ko ang magiging sagot ko sa kanila. 

 

I remember, kwento ng father ko, akala niya raw hindi ako papasa dahil sa itsura ko raw na parang hopeless. Naisip niya raw noon sa sarili niya, okay lang daw kung magtake ako ng next board. Okay lang daw kung bumagsak ako, kasi siguro sobrang hirap talaga ng exam. Pero yung result, ‘di ko expect, ‘di rin nila expect. While waiting for the results, nagpaka-busy talaga ako with work para hindi ko siya aabangan, para hindi ko maisip na labasan na pala ng resulta. It worked kasi ang bilis ng results lumabas, hidi ko namamalayan na iyon na pala ang araw na lalabas ang results.

 

Q. Who or what was your greatest motivation for acing the exam?

 

KO: My family, and then my friends. Una family ko, kasi sobrang ramdam ko yung support nila during the review days, during the exam itself, and up until sa time ng pag-release ng results. Sila na ang nagsabi na aabangan nila ang results ko, relieving me sa kaba sa pagtingin ng result kung nakapass ako. Noong last few weeks before the exam, sila na ang umako ng part ko sa household chores. Kahit kumakain ng dinner, nagrereview ako at ‘di ko na sila nakakausap masyado. Naintindihan nila kasi alam nila, kailangan ko talagang mag-focus for the boards. Tuwing aalis naman sila during my earlier review days, alam nilang hindi ako makakasama kasi may klase ako. They support na nagrereview ako and attending my review classes, and lagi akong may pasalubong noon to boost my energy sa pagreview. Ang second sister ko naman ang nagprepare ng baon ko for the two days of the exam. 4 pa lang in the morning, gising na siya to prepare my food. Lahat homemade and healthy, kasi health-conscious siya. To help me prepare for the boards, most of the food she prepares for me are whole foods that are good for the brain.

 

Sa friends naman, naalala ko kasi lagi nila akong kinukumusta sa review. They’re comforting me na “okay lang ‘yan”, “kaya mo ‘yan”, “kahit nakakapagod, makakapasaka.” One friend of mine visited a place and sent us (tatlo kami sa group of friends na magtatake ng exam) a photo and binigyan niya ng symbol na, “o ito, lucky charm n’yo. Papasa kayo sa board, pasado na yan.” I appreciate it kasi nakakaboost ng confidence and trust sa sarili. Ang friends mo, tiwala sa’yo na papasa ka… so, bakit mo ida-doubt ang trust na ‘yon? Malaking tulong ang affirmation na kaya mong ipasa, na kaya mo i-ace, or kaya mo ipasa ang board exam na ‘yon. Sa lahat ng pinakita nilang support, talagang sabi ko sa sarili ko noon, “kailangan kong galingan para matapatan ko, or maibalik ko ang support na binigay ng family and friends ko sa akin.” And for me, that is the greatest motivation to ace the exam.

“Kailangan kong galingan para matapatan ko, or maibalik ko ang support na binigay ng family and friends ko sa akin.”

 

Q. How did you and your family react after seeing the exam results and seeing your name on the top-ranking examinees?

 

KO: Ang kwento dito, nauna kaming umuwi ni mama that day. It was around 5 in the afternoon lumabas ang results noong February 1, naghugas muna ako ng hugasin to distract myself sa ingay ng phone ko with notifications. Kinakabahan na ako noong may tumawag. It was a good friend of mine from college, siya ang nagbalita sa’kin na top 1 ako. Sa sobrang gulat ko, napatigil ako ng paghuhugas. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak, sobrang hindi talaga expected. Ang hirap ng day 1, lalabas ka ng exam room mo na you’re not sure about more than half of your answers but you believe you did your best in answering those questions, kaya medyo kumapit ako na papasa ako, pero more than ang binigay sa akin. Umiiyak nako, tinatanong na nga ni mama na bakit ako umiiyak. Sinabi ko na nagtop ako, at umiyak na rin siya. After kong makausap ang friend ko, sobrang daming nagcongratulate at nag-⁠message sa Facebook.

 

It was very overwhelming, na-⁠drain ako kasi I personally answered those who congratulated to me by message. Ang mga nagpost, chineck ko din: maraming nagmemessage sa’akin na hindi ko kilala, asking for advice or tips on how to ace the exam. Ano raw ang ginawa ko, paano ako nagtop, paano ang inaral ko. Sinagot ko ‘yon isa-isa, kaya parang that day sobrang napagod ako sa ganoong attention kasi it was all new to me, pero at the same time, it was fulfilling answering those who asked for tips, to be able to help them even just a bit.

 

Image from Arch. Bhing-Bhing Panagsagan Ko


Q. What is your perspective on sustainable construction and design?

 

KO: Sustainable construction and design has its pros and cons. Its major pro is that it is a revolutionary movement towards a better future for the next generations, by addressing the environmental problems that we face today,specifically to prevent further depletion of resources and to preserve or conserve the existing natural habitat that we currently have 

 

However, this revolutionary movement sometimes requires the technology, research, and funds to be fully realized, which is only an advantage to the developed countries. In the Philippines, it can be difficult to practice this due to lack of information dissemination–particularly to the client–since sustainable construction and design requires high initial cost to execute. But in the long term or in the long-run, this is when only  minimal or no cost will be shouldered by the client.

 

Here in the Philippines, hindi kasi siya madaling intindihin. Mahirap ipaliwanag sa clients or i-convince si client na kailangan talaga magkaroon muna ng malaking gastos at first, dahil sa technology, dahil sa invention, dahil sa kung ano yung kaya niyang contribute to build a sustainable building. Pero yun nga, kulang sa information dissemination and understanding kaya hindi siya applicable all the time here. And aside from that, we also lack the technology or funds to be able to do this, mostly ng technology nauuna sa Western countries, or sa mga countries that prioritize research and development for these things. Pero unfortunately here, hindi siya ganon ka-priority kaya hindi na nabibigyan ng opportunity to explore on these things. However, meron namang ways for a sustainable construction and design na hindi nagrerequire ng big budget to execute. Pero kasi sa situation natin ngayon, or sa situation ng mundo ngayon, na kung saan malala na ang polusyon ng air, water and even land, ramdam na rin natin ang effects ng climate change, and anlaki ng waste generated from the building industry and the manufacturing industry. Kaya in my opinion, hindi na sapat yung passive design but instead we need to be pursuing more on the active approaches, and these require technology and advancements on the inventions to fully execute a sustainable construction.

 

Q. What is your advice to aspiring architects? Do you have any words of wisdom for those who are looking to take architecture and those who are scheduled to take the licensure exam?

 

KO: For those looking to take architecture, it is a difficult path. May mga sakripisyo diyan, either sleep or social life, pero it can be an enjoyable career kung gusto mong maging problem solver or a provider of better life for client or better community. Mahirap man siya dahil maraming dapat malaman,  but for me, it is an honorable profession that you have the power or dare to make a change for the better through design and planning. Prepare yourself for sleepless nights and overloaded school requirements na may kaakibat na deadline na nakakapressure. Magkakaroon ka ng time na gusto mo nang sumuko dahil sa hirap, pero kapit lang. In the end, it will all be worth it. 

 

Those planning for the exam, kung nag-enroll kayo sa review center, make sure na sulitin ninyo ang review materials na pinoprovide nila, like videos, books, notes, and ang mismong ituturo ng professors. Magandang buo ang atensyon ninyo sa klase. Based on my experience, normal lang mapaisip na parang walang laman yung utak ninyo sa 1st months of review. Wag mo munang pilitin ang sarili mong maintindihan ang lessons; think of it as a warm up sa pag-⁠review. Makakasunod din kayo, lalo na pagdating na sa gitna ng pagrereview. Practice answering questions, para masanay kayo sa technique ng pagsagot like method of elimination, pag-aanalyze ng questions at pagda-dissect ng question itself. Simple techniques like that are really helpful pagdating sa exam. Sa pagsagot ng design problems for the second day, ang pagsagot ng design problems in a short amount of time and strategy of answering them, kailangang matutunan ang didiskarte. I’ve heard stories na hindi nila natatapos yung second day, kinapos kasi sila sa oras. I think, yung iba, hindi natapos dahil nagdwell too much on one question na hindi nila alam yung sagot. 

 

Another thing na nakatulong sa’kin is if you have the means, travel as much as you can. Travelling will let you experience new things, let you see new things, and I believe for me that this learning technique helps one experience certain things na hindi mo maiintindihan kung binabasa mo lang. Halimbawa, sa field ng architecture, you can better understand designing hospitals and theaters, or museums, if you visit one. If you’ve been in one, for example hospital, kapag meron sa kakilala mong naging in-patient or na-confine within the hospital, maiintindihan mo yung system kung bakit magkakatabi ang certain spaces. Same thing with other buildings or other building types, malaking tulong ang pagtravel. If you don’t have the means, available naman ang Internet. Sobrang daming resources na makukuha mo sa Internet; just make sure na tama or reliable ang sources.

 

“It is an honorable profession that you have the power to make a change for the better through design and planning.”

 

Q. Are there any people or organizations that you would like to thank and give recognition to for this milestone? 

 

KO: Unang-una, nagpapasalamat ako sa UST and sa UST College of Architecture, especially sa Professors of the College kasi hanggang ngayon, naalala ko pa rin ang lessons nila. Magaling sila magturo and they made the lesson interesting, kaya for me it was memorable. Naalala ko ang ibang questions in the exam, nasagutan ko kasi naging lesson namin siya, or nakwento siya ng prof kaya I was able to answer the other questions. 

 

Second naman sa review center na pinasukan ko. Solid talaga yung review program nila. Very resourceful and knowledgeable in explaining things ang mga professors. Dahil sa kanila, I was able to adapt their ways of tackling questions in the exam. Parang na-adapt ko ang way ng pag-analyze ng questions ng mga prof and how to answer them critically. As I attend their classes kasi, unti-unti kong nakukuha ang method of answering questions. Aside from how andami rin nilang naiturong lessons, lumabas din sa exam.

 

Third, sa mentor ko si Architect Stewart S. See. Kasi nagwork na kami sa kanya right after graduating from the college. For me, sa tingin ko ang hirap para sa kanya na mag-handle ng fresh graduate kasi he has to teach us from scratch nung mga ways na nakagawian sa practice nya since he’s been practicing for decades na. Tapos, he really took care of us, and taught us things na we need to know in our field since tatlo lang kami sa under him parang we were able to explore different steps in preparing architectural plans. So, nakahandle na namin from start nung pag-formulate ng schematics hanggang sa pag-prepare ng contract documents for the application of building permit kaya sabang diverse na naging knowledge. Naalala ko, we even handled plumbing and electrical plans because he let us talk to the consultants in those respective fields. Kaya naging malaking tulong rin and for me isang factor rin yon kaya nagtake ako ng master plumber licensure exam. Then, of course, are my friends kasi as mentioned in the previous questions grabe, parang mas naniniwala sila sa akin kaysa ako sa sarili ko. Kaya sobrang laking boost rin in confidence or esteem na magagawa kong i-top itong exam na to.

 

“Despite hardships, grabe nakayanan ko ‘to, despite yung mga nangyari .”

 

Then sa family grabe kung I don’t know what support means, pero iba talaga, lalo na nung hindi na nila ako pinaako ng household chores, yun talaga ibang level. And effort sa pag-hatid sundo sa akin, sa patience nila toward sa akin, since lalo na nung time na malapit na yung exam, sobrang irritable na ako kasi nandun yung panic, nandun yung kaba na mag-exam na kaya I got irritated easily, pero buti, buti mahaba yung pasensiya nila saken at naiintindihan nila ako. And lastly, kay God or kay Buddha or basta sa higher being, kasi naalala ko nung nag-pray ako during Chinese New Year, We celebrated Chinese New Year, nag-pray ako na sana masagutan ko yung exam. Okay lang na mahirap kasi wala naman talagang madaling board exam, pero I always pray na sana yung exam na ma-encounter ko is yung exam na kaya kung sagutan. And, yeah, nasagutan ko naman siya kahit na mahirap, yun lang hindi lang talagang ako sure kung tama yung pinagsusulat ko, pinagsasagot ko, pero I was able to answer them. And sometimes may mga nakita akong signs na parang, para sa akin talaga pinapahiwatig yung sign na yun.

 

Arch. Bhing-Bhing Ko during her Second Year in College for Architecture Week | Image from Arch. Bhing-Bhing Panagsagan Ko

 

For example, right after praying kasi that’s the only time I noticed na yun circuit breaker namin dito sa bahay was Koten. And on that day of exam, sa second subject which is day 1 pm yung building utilities, building tech and structural conceptualization, sobrang nagulat ako kasi may certain question doon, asking about affordable circuit breakers and nandun si Koten sa choices. So naisip ko talaga na it was meant for me na on that day ko ma-realize na Koten yung circuit breaker namin, and parang talagang sumisigaw sa harap ko na “hoy, Koten yung circuit breaker sa bahay.” Out of the blue talaga napatingin ako doon sa circuit breaker na yun, and naisip ko din na si Papa hindi bibilin ng mamahaling brands, kaya talagang Koten yun sinagot ko doon. Pero we’re still not sure kung yung talaga yung sagot, but that’s one sign na alam kung it’s from the higher being.

 

Despite hardships, grabe nakayanan ko ‘to, despite yung mga nangyari.

 

 

Image from the University of Sto. Thomas

 

Arch. Bhing-Bhing Panagsagan Ko is an inspiration to aspiring architects who are thinking of pursuing the profession and those who are waiting for their turn to take the exam. Despite the hardships and doubts that she had, Arch. Bhing-Bhing was able to beat the odds and top the January 2023 Architecture Licensure Exam. She proves that you can reap the fruits of your labor with hard work, dedication, and determination.

 

Do you want to see more content like this in the future? Subscribe to Pinoy Builders for FREE today and stay in the loop for the latest news and updates on the Philippine construction industry!

Do you want more information about this content?







    I accept terms and agreement. See Privacy Policy and Terms of Service

    Share This

    Share on facebook
    Share on twitter
    Share on linkedin
    Share on email

    Related Posts

    Leave a Comment

    Recent Posts

    Categories